i never liked a high heel shoe!
my day started well, nagising ako ng mga 11.50 dahil kagabi INSOMIAC nnman ang inabot ko. mga 3.30 am na ko nakatulog dahil sa starbucks na nasa bote na binili ng ina ko, nahirapan nnman akong matulog. pero ayos lang, late na naman akong nagising ehh. syempre pagkagising ko tinignan ko agad yung cellphone ko, madami na ring messages yun nga lang puro gm haha! tapos binuksan ko na yung ipod para makinig sa boses ni ely (wag kng mag alala caloy! papakinggan ko lang ang boses haha!). oo ganun talaga ko ka obsessed kay ely buendia :D, o cge na tama na kay ely. haha! adultery nga daw ang case ko sabi ni caloy :D
pagkalabas ko ng kwarto, humiga ulet ako sa sofa namen. nakasaksak padin ung ipod sa tenga ko kaya wala akong narirnig, yun pala tinatawag ako, kakain na raw. nilaga ang ulam kaya medyo naparami kain ko haha! pagkatapos naligo na ko, at natulog ulet haha! masamang bisyo ko na ang humilata lang sa bahay namin at makinig ng music sa ipod. mga alas tres nagising na ko, pinatay ko muna ung ipod low batt na eh. nanuod muna ko ng tv, maganda yung palabas nakalimutan ko yung title. maya maya inaya ako ng ina ko pumunta sa mall kasama mga tita ko, bibili daw ako ng sapatos para sa pictorial namen sa tuesday. nasa kotse palang kami nag aaway na kami ng tita ko dahil sabi niya dapat daw may heels ung bibilin ko dahil naka denim skirt ako, anu namang koneksyon! eto na pagdating sa mall pumunta na agad kami sa department store, nahirapan akong maghanap dahil gusto ko talaga gladiator na flats lang. ayun hindi ako nanalo sa kanila, binili parin nila ko ng pumps na two inches. umuwi ako sa bahay ng naka simangot dahil ayoko talaga ng may heels amp! pero wala na kong magagawa, sabi naman nung mga fashion critic (mga relatives ko) sa bahay namin okay lang.

0 comments:
Post a Comment